Genoveva Edroza Matute
Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ng kanyang mabuting estudyante. Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang pinakamaliit at pinakapangit sa buong klase na mayroong kakatuwang punto na nagpapakilalang siya ay taga-ibang lugar. Ngunit sa kabila nito, siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon upang magsabi ng “Goodbye,teacher!” At di nagtagal, nalaman ng guro na siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan kung kaya’t napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng kanyang madalas na pag-iisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay napagbaligan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na pagkalungkot ng bata. Subalit kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro sa araw-araw. At dahil sa ginawang ito ng bata, nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay kanyang nagging guro.